Mas mabilis matututunan ang mga salitang Pilipino kung aalamin natin ang kayarian nito.
Lahat ng salitang Pilipino ay nahahati sa apat na kayarian:
· * Payak – mga salitang binubuo ng
salitang-ugat lamang.
Halimbawa: galing bahay
· * Maylapi – mga salitang binubuo
ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang panlapi ay mga pantig na
idinudugtong sa salitang-ugat.
Halimbawa: magaling kabahayan
· * Inuulit – mga salitang may
bahagi o buu-buong inuulit.
Halimbawa: kilalang-kilala araw-araw
· * Tambalan – mga salitang binubuo
ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita.
Halimbawa: kabit-bisig bahaghari
Narito ang mga sanayang papel na maaaring gamitin para mas maintindihan ito:
Short worksheet with Odd-man out type items
Filipino 5 - Kayarian ng Salita
20-item worksheet on identifying the type of word according to structure.
Comments
Post a Comment