Ang bawat salita ay binubo ng mga pantig . Ang p antig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Mahalagang matutunan ng isang mag-aaral ang pagpapantig ng mga salita dahil ito ay makatutulong sa pagpapabilis magbasa. Dadgdag pa na matutunan din nilang bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagdadagdag ng titik o pantig. Narito ang isang maikling pagsusulit. Pantigin ang mga salita sa ibaba at isulat kung ilang pantig ang bumubuo sa bawat isa: _____ 1.) tahimik _____ 2.) katutubo _____ 3.) sa _____ 4.) hindi _____ 5.) silid-aralan _____ 6.) itim _____ 7.) po _____ 8.) nararamdaman _____ 9.) dalawa _____ 10.) nagagalak Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 1.) 3 2.) 4 3.) 1 4.) 2 5.) 5 6.) 2 7. 1 8.) 5 9.) 3 10.) 4 Kung kailangan pa ng dagdag na ensayo, sagutin ang mga worksheets dito: (sorry, to follow)