Wednesday, September 2, 2026

For Sam only

Teacher Abi's Reviewer
0 / 30
Basahin • Unawain • Patunayan

AWIT, MITO AT KARUNUNGANG-BAYAN

Hindi ito memory test lang. Hanapin ang ipinahihiwatig, piliin ang ebidensiya, at iugnay ang teksto sa kultura at karanasan.

Bahagi 1 • 10 puntos

PRAKTIS SA PAGPAPAKAHULUGAN

Ang mga pahayag dito ay hindi ang mismong mga halimbawang ginamit sa aralin. Basahin ang diwa, hindi lamang ang literal na larawan.

Mabilis na paraan: (1) Ano ang literal na sinasabi? (2) Anong asal o sitwasyon ang tinutukoy? (3) Aling sagot ang nagpapaliwanag sa buong pahayag?
KahuluganAngkop na sitwasyonPangangatwiranKulturang masasalamin

Maikling Sagot • 2–3 pangungusap

Pumili ng isang karunungang-bayan sa bahaging ito. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig nito at magbigay ng isang bagong sitwasyon kung kailan ito angkop sabihin.
Gabay sa pag-checkDapat malinaw ang kahulugan, may angkop na sitwasyon, at hindi lamang inuulit ang literal na pahayag.
Bahagi 2 • 10 puntos

MITO: ANG ALIM NG MGA IFUGAO

Basahin muli ang salaysay na nasa aralin. Ang mga tanong ay sumusukat sa ugnayan ng mga pangyayari, gamit ng mito, kulturang masasalamin, at ebidensiya mula sa teksto.

Ang Pagkagunaw ng Daigdig

Noong una, saganang-sagana ang lupain. Maraming isda sa mga ilog at dagat at maraming hayop sa kagubatan. Kapag ibig kumain ng mga tao, pumuputol lamang sila ng biyas ng kawayan at naroon na ang bigas na isasaing. Patag ang daigdig maliban sa Bundok Amuyaw at Bundok Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog at maraming tao ang namatay. Humukay ng ilog ang ilang natitira at bumalong ang tubig. Nagdiwang sila, ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Umakyat ang tubig hanggang sa mga bundok. Sina Bugan at Wigan lamang ang nakaligtas, magkahiwalay sa Kalawitan at Amuyaw.

Nang humupa ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan. Nakita ito ni Wigan at pinuntahan siya. Nang magdalantao si Bugan, tinangka niyang magpakamatay dahil sa kahihiyan. Pinigil siya ni Makanungan, ang bathala ng mga Ifugao, at ikinasal ang magkapatid. Nagkaroon sila ng siyam na anak: limang lalaki at apat na babae.

Muling dumating ang tagtuyot. Nanawagan sina Wigan at Bugan kay Makanungan at naghandog muna ng daga. Nang magpatuloy ang tagtuyot, pinatay at inihandog nila ang bunsong si Igon. Natapos ang tagtuyot, ngunit nagalit si Makanungan sa pagpatay kay Igon.

Isinumpa ni Makanungan ang magkakapatid na maghiwa-hiwalay sa timog, hilaga, kanluran, at silangan. Kapag nagkita-kita, sila raw ay mag-aaway at magpapatayan. Sa ganitong paraan ipinaliliwanag ng salaysay ang pinagmulan ng ilang pangkat at kanilang alitan.

Batay sa siping “Alim” na kasama sa ibinigay na aralin. Inayos lamang ang baybay at pagkakahati ng mga talata para sa screen.

Maikling Sagot • 2–3 pangungusap

Paano ipinakikita ng Alim ang paniniwala ng mga Ifugao tungkol sa kalikasan at bathala? Gumamit ng dalawang pangyayari mula sa salaysay bilang patunay.
Gabay sa pag-checkDapat mabanggit ang ugnayan ng kalikasan at bathala at masuportahan ito ng dalawang tiyak na pangyayari.
Bahagi 3 • 12 puntos

PAG-UNAWA SA MGA AWITING-BAYAN

Basahin ang mga siping kasama sa aralin. Pansinin kung sino ang nagsasalita, ano ang sitwasyon, at anong damdamin o kulturang ipinahihiwatig.

Tandaan: Kilalanin ang uri batay sa gamit o sitwasyon ng awit, hindi lamang sa isang salitang nakita.
UriGamitHalimbawa sa aralin
KundimanPag-ibig o panliligawManang Biday
Oyayi o HelePagpapatulog sa bataIli-Ili Tulog Anay
TalindawPamamangkaAn Balud
SoliraninPaggawa o paggaodAng Magtanim ay 'Di Biro
KumintangDigmaanAt Muling Sumikat ang Araw
DionaKasalBanyuhay
Dung-awPatay o pagdadalamhatiAwit ng pagluluksa
Dalit / Imno / HimnoPagsamba sa diyos o diyos-diyosanAwit ng pagsamba

A • Manang Biday

Mahal kong Biday, buksan mo Ang iyong bintana Para makita mo ang tagahanga mo Ay, mamatay ako kapag di pinansin. Kapag nawala ko ang panyo ko Ang makahanap ay ibalik sa akin Pangalan ko ay nandoon Isang puso rin ay nakaburdado.
Salin sa Filipino na nasa aralin

B • Ili-Ili Tulog Anay

Batang munti, matulog ka muna, Wala rito ang iyong ina. Pumunta siya sa tindahan para bumili ng tinapay, Batang munti, matulog ka muna. Gising ka na, tumulong ka, Bitbitin ang mga pinamili ko. Dahil mabigat itong mga dala ko, Tulungan mo muna ako.
Salin sa Filipino na nasa aralin

C • An Balud

Hay, Intoy, Napakahirap mong dalhin Para kang alon, kapag nagagalit ay umaalis ka, maiiwan akong mag-isa sa tabing dagat. Basta't ang pag-ibig nati'y Matatag at puno ng tiwala, Hindi ito mabubura ng alon.
Bahagi ng salin sa Filipino na nasa aralin

D • Ang Magtanim ay 'Di Biro

Magtanim ay 'di biro Maghapong nakayuko Di man lang makaupo Di man lang makatayo Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Sa umaga, paggising Ang lahat, iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain.

E • At Muling Sumikat ang Araw

Parating sa silangan ang hari ng digmaan Ang lakas niya at tapang, haligi ng kaharian Ating pagsaluhan ang tagumpay sa kadiliman. Humanda nang lumaban hanggang sa kamatayan Sisikat ang araw sa kapatiran.

F • Banyuhay

Ngayong gabi Tayo'y narito Saksi ang Diyos Saksi ang tao Ito'y sumpaan Na tayo ay magsasamba.

Maikling Sagot • 2–3 pangungusap

Paghambingin ang alinmang dalawang awiting-bayan sa itaas. Ipaliwanag kung paano nagkaiba ang kanilang gamit at damdaming ipinahahayag.
Gabay sa pag-checkDapat pangalanan ang dalawang awit, tukuyin ang gamit ng bawat isa, at ihambing ang kanilang damdamin.
Huling Hakbang

IPADALA ANG SAGOT KAY TEACHER ABI

Kapag tapos na ang tatlong bahagi at writing questions, i-download ang Teacher Report. Kasama rito ang pangalan, scores, lahat ng piniling sagot, at tatlong isinulat na sagot.

No comments:

Post a Comment