Laro sa Filipino • Libreng sample
Ano angWakas?
Hanapin ang mga nawawalang pahina ng kuwento, basahin ito, at piliin ang pinakaangkop na wakas! May libreng laro at dalawang set ng interactive na worksheet sa pahinang ito.
Laruin dito mismo
Maglaro na!
Kasama sa libreng sample ang Kuwento 1: Ang Napulot na Pitaka at Kuwento 4: Ang Bangkang Papel. Pindutin ang MAGLARO sa ibaba. Gumagana sa cellphone, tablet, at laptop.
Tandaan
Ano ang angkop na wakas?
Ang wakas ay ang huling bahagi ng kuwento. Dito nalalaman kung paano natapos ang suliranin. Angkop ang wakas kapag:
Konektado ito sa mga nangyari sa kuwento. Ginagamit nito ang mga detalye at palatandaan.
Ito ang gagawin ng tauhan batay sa kaniyang ugali, hilig, at damdamin.
Natatapos nito ang problema sa makatuwiran at makatotohanang paraan.
Kapag pumipili ng wakas, maging detektib: hanapin ang mga palatandaan sa kuwento!
Interactive na worksheet
Sagutan dito mismo.
Pumili ng set. Pindutin ang sagot para malaman agad kung tama. Walang ipinapadala o sine-save na sagot.
Apat na hakbang.
- Hanapin: tumakbo at tumalon sa ilalim ng mga 📜 kahon para makuha ang 5 pahina ng kuwento.
- Basahin: basahin ang buong kuwento. Puwede itong balikan gamit ang 📖 KUWENTO.
- Piliin: pakinggan sina Ben, Liza, at Carlo, at piliin ang pinakaangkop na wakas.
- Buuin: patunayan ang wakas gamit ang mga detalye, at ayusin ang mga pangungusap nito.
Bago at pagkatapos maglaro.
Bago: magkuwento ng isang pangyayari at itigil bago ang wakas. Itanong: "Ano kaya ang mangyayari?"
Pagkatapos: itanong kung aling detalye sa kuwento ang nagpatunay na angkop ang wakas. Pagkatapos, sagutan ang Set 1 o Set 2.



Mga tanong
Mga madalas itanong.
- Ano ang angkop na wakas?Ang angkop na wakas ay ang huling bahagi ng kuwento na may kaugnayan sa mga pangyayari, tugma sa ugali ng mga tauhan, at nalulutas ang suliranin sa makatuwirang paraan.
- Paano malalaman kung angkop ang isang wakas?Itanong ang tatlong ito: May kaugnayan ba ito sa mga nangyari sa kuwento? Tugma ba ito sa ugali ng tauhan? Nalulutas ba nito ang suliranin? Kung oo ang sagot sa tatlo, angkop ang wakas.
- Ano ang larong Ano ang Wakas?Ito ay isang libreng laro ng Aral Tayo PH. Hinahanap ng mag-aaral ang mga pahina ng kuwento, binabasa ito, pinipili ang pinakaangkop na wakas mula sa tatlong mungkahi, pinatutunayan ito gamit ang mga detalye, at binubuo ang wakas.
- Para sa anong baitang ang laro at worksheet?Para ito sa mga mag-aaral sa elementarya na nag-aaral ng pagbibigay ng angkop na wakas. Mas maiikli ang mga kuwento sa Set 1, at mas mahahaba at mas malalim ang Set 2 para sa mas nakatatandang mag-aaral.
- Libre ba ang worksheet?Oo. Libre ang Set 1 at Set 2, kasama ang susi sa pagwawasto at rubrik. Maaari itong sagutan dito mismo o i-download at i-print sa short bond.
Buong laro
Gusto mo ng lahat ng 10 kuwento?
Bahagi ng Aral Tayo PH Filipino Pack 1 ang buong Ano ang Wakas? Mag-message kay Teacher Abi para makuha ito.
Ang Ano ang Wakas? ay laro ng Aral Tayo PH • Filipino • Orihinal na pixel art at mga kuwento ng Aral Tayo PH
No comments:
Post a Comment