Skip to main content

Ang Matalinong Uwak

Aesop wrote a short story about a crow that found a piece of cheese. As it was about to eat, a fox saw it and tricked the crow into dropping the cheese. Will this story have the same ending?



        Isang araw, may isang uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa ilalim ng araw. Dali-dali niya itong kinuha at inilipad sa tuktok ng isang puno.
        Sisimulan na sana ng uwak na kainin ang karne nang may marinig  itong malakas na boses ng isang asong gubat.
        “Sa lahat ng ibon dito sa kagubatan, ikaw, uwak, ang may pinakamagandang boses. Maaari ka bang umawit para sa akin?” ang sabi ng asong gubat.
        Natuwa ang uwak sa narinig. Inilagay nito ang karne sa ilalim ng kanyang paa at saka umawit. Hindi nalaglag ang karne na inaasahan ng asong gubat. Umalis na lamang ito patungo sa gitna ng gubat.




Pagkatapos basahin ang kuwento, sagutin ang mga tanong dito.


Comments

  1. Asking po for your permission maam if pwede po ma share.Thrice po nag attempt to download pero hindi po sya ma download. Malaking tulong po ito for my pupils reading comprehension. Salamat po &Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag click po ba kayo sa title? Downloadable naman po for anybody yung file. Hindi lang po pwedeng i-edit.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...