Skip to main content

Filipino - Uri ng Diin

Sa wikang Filipino, may mga salitang iisa lamang ang baybay ngunit nag-iiba ang kahulugan base sa kung paano ito sinabi. Nakadepende ang kahulugan sa kung saan nilalagay at anong uri ng diin ang ginamit sa salita.
Ang diin ay ang antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita. Maaari itong maging:
·      Malumay – ang diin ay nasa ikalawang pantig mula sa huli.
·      Malumi – ang diin ay nasa ikalawang pantig mula sa huli at nagtatapos sa impit na tunog. Ang huling letra at may paiwang tuldik. `
·      Mabilis – binibigkas ng tuluy-tuloy, ang diin ay nasa huling pantig. Walang impit sa dulo. Ginagamitan ng tuldik na pahilis. ´

·      Maragsa – tuluy-tuloy ang bigkas at may impit sa huling pantig.  Tinutuldikan ito ng pakupya. ^

Filipino 3 - Uri ng Diin (Practice)
Simple identification worksheet of Malumi, Malumay, Mabilis, Maragsa words

Filipino 4 - Uri ng Diin (Practice)
Worksheet on Malumi, Malumay, Mabilis, Maragsa words, pagtutuldik

Filipino 4 - Uri ng Diin (Practice)
Reading comprehension test for "Ang Alamat ng Bulkang Taal" with short quiz on Malumi, Malumay, Mabilis, Maragsa words, pagtutuldik

Filipino 4 - Uri ng Diin (Worksheet)
Worksheet on completing the sentence by choosing the word with the correct accent mark.

Filipino 4 - Diin ng Salita (Online Quiz with Answers)
This is a simple quiz for choosing the correct meaning of the word inside the parenthesis based on the accent mark.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ito. Dagdag na lesson ay tungkol sa Pangunah

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa pinag-uukulan ng isang gawain. Narito ang halimbawa ng mgapang-ukol na karaniwan nating ginagamit: Narito ang ilang madaling pagsusulit upang hasai