Skip to main content

Filipino - Diptonggo

Ang diptonggo ay patinig na sinusundan ng malapatinig na w o y sa isang pantig. Sa Filipino, mayroong anim (6) na mga diptonggo:

aw
ay
ey
iw
oy
uy

Narito ang ilang halimbawa ng mga salita na may diptonggo:

aw
ay
ey
iw
oy
uy
a-raw
ku-lay
rey-na
a-giw
ka-hoy
a-ruy
da-law
ba-hay
bey-bi
bi-tiw
la-ngoy
ba-duy




Subukin ang iyong kaalaman tungkol sa diptonggo gamit ang mga sanayang papel na ito:

Filipino 1 - Diptonggo (Practice)
Pagsasanay sa pagkilala ng salitang may diptonggo at pagbuo ng salita gamit ang diptonggo

Filipino 2 - Diptonggo (Practice)
Pagsasanay sa pagkilala ng salitang may diptonggo 



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pangungusap at Parirala

Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas (. ? !) Hal.  Sina Meryl at Jenny at mahilig magbasa ng libro.       Bumili si Gerald ng regalo para sa kanyang nanay noong Linggo. Ang parirala naman ay grupo ng mga salita na hindi buo ang diwa. Hal.  Sina Meryl at Jenny       noong Linggo       ng regalo para sa kanyang nanay Subukan mo ngang Sagutin: Alamin kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap o parirala. Ang mga halimbawa ay sadyang nakasulat gamit ang maliit na titik at walang bantas. 1. puting medyas na nasa ilalim ng kama 2. mabilis tumakbo si Luisito 3. tahimik na nakikinig 4. inayos ni Amy ang mga libro 5. nanonood ng programa sa telebisyon si Hannah Sagot: 1. parirala 2. pangungusap 3. parirala 4. pangungusap 5. pangungusap Narito ang ilan pang pagsusulit na maaaring gamitin upang su...