Skip to main content

Ang Totoong Regalo Modyul

This is a story of a boy who wanted to buy his dad a gift for Father's Day. He had to work hard to save up for his gift. There is a vocabulary exercise, comrehension questions, and a short writing activity.



Ang Totoong Regalo

         Isang buwan bago ang Araw ng mga Ama, nakakita si Jacob ng regalong perpekto para sa kanyang ama. Ito ay isang “tool kit” na mayroong kasamang lyabe, birador, at ilan pang mga kasangkapan na siguradong magagamit nito.. Isa kasing “repairman” ang kanyang tatay..

         “Ano  kaya ang puwede kong gawin para kumita ng pera upang mabili ko ang tool kit na iyon?” ang tanong ng bata sa kanyang sarili.

         Napunta ang kanyang atensiyon sa mga boteng nasa ilalim ng kanilang lababo. Naisip niyang mapagkakakitaan niya ang mga ito kung ibebenta niya ang mga bote sa malapit na junkshop. Alam niyang hindi sapat ang kanyang mapagbebentahan kaya’t pinuntahan niya ang kanyang mga kapitbahay at pinakiusapan kung maaari niyang  hingiin ang kanilang mga gamit na papel, boteng walang laman, mga sirang gamit at iba pa. Ginawa niya ito ng ilang beses.

         Dalawang linggo bago ang mahalagang araw, binilang ni Jacob ang kanyang naipon ngunit kulang pa rin ito. Nabaling naman ang kanyang tingin sa supot ng mga lumang damit na itatapon na ng kanyang nanay. Binuksan niya ang bag at nakita niyang maaari pa namang gamitin ang mga ito ngunit maliit na para sa kanila. Naisip niyang silipin ang kanyang kabinet at kuhain lahat ng damit at mga sapatos na kanyang napaglakihan. Nang dumating ang kanyang nanay mula sa opisina ay nagpaalam siya kung maaari niyang ibenta ang kanyang mga lumang gamit. Pumayag ito ay tinulungan pa niya si Jacob na kolektahin ang iba pang gamit na maaari niyang ibenta.

Naglatag siya ng sapin sa labas ng kanilang bahay at nilagay ang mga lumang kagamitan. Naglagay rin siya ng isang karatulang may nakasulat na “Garage Sale”. Pagkatapos ng dalawang oras ay naibenta na niya ang lahat ng gamit na kanyang inilabas.

         Noong umaga ng Araw ng mga Ama, inilabas ni Jacob ang malaking kahon na naglalaman ng bagong biling tool kit at ibinigay sa  kanyang Tatay.

         “Maraming Salamat, anak! Alam kong pinaghirapan mong kitain ang ipinambili mo nito.”

         “Wala pong anuman, Tay. Masaya po akong may naibigay akong regalo sa iyo,” ang nakangiting sagot ni Jacob.

         “Anak, ang totoong regalo ay ang pagod at oras na iyong ginugol para kumita ng pambili mo nito,” ang sambit ng kanyang ama na punong-puno ng pagmamahal para sa kanyang anak.

Download the worksheet here: Ang Totoong Regalo Modyul


Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Filipino - Pagdadaglat

Here are some worksheets that can help you practice on abbreviation: Filipino 1 - Pagdadaglat This 10 item quiz can help in recognizing titles for people as well as writing the corresponding abbreviation. Filipino 1 - Pagdadaglat This 10-item matching type requires the pupil to match the title to the correct abbreviation. Filipino 1 - Pagdadaglat at Inisyal This 2-part exercise asks the student to correctly identify the correct abbreviation for the given word. The next part asks for the correct initials for the given words. Filipino 1 - Pagdadaglat ng Ngalan ng mga Buwan This 12-item quiz asks that the student identify the correct abbreviation for the name of each month. Filipino 1 - Pagdadaglat ng Ngalan ng mga Araw This 7-item quiz asks that the student identify the correct abbreviatio for the name of each day. Has bonus questions about the abbreviation of the names of selected months of the year.