Skip to main content

Filipino - Sanhi at Bunga

Sa mga sitwasyong magkatambal, kalimitan na isa ay sanhi at ang isa ay bunga. Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari. Ito ay ang nauna sa dalawang kaganapan. Ang bunga naman ay ang naging resulta o epekto ng naunang pangyayari.

Halimbawa:


Si Rommel ay kumain ng kumain ng kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin.

Sanhi: Siya ay kumain ng kumain ng kendi.
Bunga: Sumakit ang kanyang ngipin.




Nagdala si Haidee ng payong dahil madilim at maulap ang langit.

Sanhi: Madilim at maulap ang langit.
Bunga: Nagdala si Haidee ng payong.


Narito ang ilang sanayang papel na magagamit sa pagsasanay ng pagtukoy at pagbibigay ng maaaring sanhi at bunga:

Filipino 2 - Sanhi at Bunga 
Pagbibigay ng sanhi ayon sa binasang maikling kuwento

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 
10 item quiz on identifying the cause (sanhi) or effect (bunga) in a sentence.

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 2
Another 10 item quiz on identifying the cause or effect in a sentence.

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 3
This is a matching type quiz for cause and effect.

Filipino 4 - Sanchi at Bunga 4
Here is a 10-item exercise where you identify which part is the cause and which part is the effect.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...