Skip to main content

Pokus ng Pandiwa


Si Aliana ay nagkain / kumain / kinain ng tanghalian. 

Alam niyo ba kung alin ang tamang pandiwa para sa pangungusap sa itaas? Kalimitang nahihirapan sa pagpili kung anong anyo ng pandiwa ang gagamitin. Isa sa magpapadali sa pagpili ng tamang gagamitin na pandiwa ay ang pagkilala sa pokus nito.

May anim na pokus ng pandiwa:

1. Pokus sa Aktor o Tagaganap - ang simuno ang gumaganap sa aksiyon na pinapakita ng pandiwa.
The subject is the doer of the action expressed by the verb.

Hal:
          Si Aileen ay naghanda ng meryenda.
(Si Aileen ang simuno sa pangungusap. Siya rin ang gumagawa ng kilos na tinutukoy ng pandiwa.)


2. Pokus sa Gol o Layon - Ang simuno ang tagatanggap ng aksiyon na tinutukoy ng pandiwa. Kalimatang ito ang sagot sa tanong na "ano ang [pandiwa]?"
The subject is the receiver of the action expressed by the verb.

Hal:
          Ang meryenda ay inihanda ni Aileen.
(Ang meryenda ang simuno sa pangungusap. Ito ay tumatanggap ng kilos. Ito ang sagot sa tanong na, "Ano ang inihanda?")

3. Pokus sa Ganapan o Lokatib - Ang simuno ay ang lugar kung saan nagaganap ang kilos o aksiyon. Ito ay maaaring isang lugar tulad ng simbahan, paaralan, o kuwarto. Maaari rin itong maging isang bagay tulad ng lalagyan, plato, o lababo. Ang pandiwang ginagamit dito ay karaniwang may panlaping pinag-.
The subject is where the action takes place. It could be a place or an object.
       
Hal:
          Ang malaking bandeha ang pinagpatungan ni Aileen ng mga plato.
(Ang bandeha ang simuno ng pangungusap. Dito rin ginawa ang aksiyon ng pagpapatong ng mga plato.)


4. Pokus sa Benepaktib o Tagatanggap - Ang simuno ay kung ano o sino ang nakinabang sa kilos. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ipinag-.
The subject is the benefactor of the action expressed by the verb.

Hal:
          Ang mga bisita ay ipinaghanda ni Aileen ng meryenda.
(Ang mga bisita ang simuno ng pangungusap. Sila rin ang nakinabang sa kilos.)


5. Pokus sa Sanhi o Kusatib - Ang simuno ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng kilos o pandiwa. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ikina-.
The subject is the cause of the action expressed by the verb.

Hal:
          Ang paghahanda ni Aileen ng meryena ang ikinatuwa ng kaniyang mga bisita.
(Ang paghahanda ang simuno ng pangungusap. Ito rin ang sanhi ng kilos sa pagkatuwa.)

6. Pokus sa Gamit o Instrumental - Ang simuna ay tumutukoy sa ginagamit upang magawa ang kilos. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ipinang-.
The subject is the object that is used in order to do the action expressed by the verb.

Hal:
          Ang sandok ang kanyang ipinangsalok ng ginataan.
(Ang sandok ang simuno ng pangungusap. Ito rin ang ginamit upang magawa ang aksiyon na "salok".)


Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Filipino - Pagdadaglat

Here are some worksheets that can help you practice on abbreviation: Filipino 1 - Pagdadaglat This 10 item quiz can help in recognizing titles for people as well as writing the corresponding abbreviation. Filipino 1 - Pagdadaglat This 10-item matching type requires the pupil to match the title to the correct abbreviation. Filipino 1 - Pagdadaglat at Inisyal This 2-part exercise asks the student to correctly identify the correct abbreviation for the given word. The next part asks for the correct initials for the given words. Filipino 1 - Pagdadaglat ng Ngalan ng mga Buwan This 12-item quiz asks that the student identify the correct abbreviation for the name of each month. Filipino 1 - Pagdadaglat ng Ngalan ng mga Araw This 7-item quiz asks that the student identify the correct abbreviatio for the name of each day. Has bonus questions about the abbreviation of the names of selected months of the year.